Ligtas pa ring puntahan ng mga turista ang Boracay Island sa Malay, Aklan sa kabila ng nadiskubreng mahigit 800 sinkholes.

Ito ang inihayag ni Malaly Mayor Frolibar Bautista sa isang television interview nitong Sabado.

Wala aniyang dapat ipangamba ang publiko dahil sa tagal na nila sa isla ay wala silang nabalitaang lumubog o gumuhong istraktura dahil sa sinkhole.

Nanawagan din ito sa Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na tukuyin ang mga lugar na nakitaan ng sinkholes.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Posible rin aniyang nasa forest land ang tinutukoy na sinkholes. 

Nakatakda na rin aniya siyang makipagpulong sa mga kinatawan ng MGB upang mabigyang-linaw ang usapin.