Ibinahagi ng Kapuso comedienne at vlogger na si Jelai Andres ang kaniyang reaksiyon sa nabasang headline ng isang pahayagan patungkol sa kanila ng kaibigang si Buboy Villar.

Hindi naiwasang matawa ni Jelai nang mabasang tila nangangamoy-romansa na raw sa pagitan nila ni Buboy, dahil nga naman sa closeness nila sa isa't isa, na makikita sa kanilang vlogs.

"Hoyyy Abante ano ito???!! Hahaha nagulat ako tawang-tawa ko," ani Jelai.

Alam niyang ganito rin ang magiging reaksiyon ni Buboy kapag nabasa ito. Ibinahagi niya ang screengrab ng headline sa kaniyang Facebook post.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Malamang masuka-suka si Buboy boltu pag nakita to hahahaha! Pambihira sa romansa hahahahahaha," dagdag pa ni Jelai.

Sa comment section ay nag-react na nga rito si Buboy.

"Hala ka!" aniya.

Sa comment section naman nito ay maraming nagsasabing bagay naman daw sila ni Jelai kaya umaasa ang mga netizen na baka naman may pag-asa sila sa isa't isa.

Marami pa ang tila nagbuyo kay Buboy na deep inside ay kinikilig naman siya rito.