Namatay na ang founder ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Jose Maria Canlas Sison sa edad na 83, nitong Biyernes.
Ito ang kinumpirma ni CPP information chief Marco Valbuena nitong Sabado ng umaga.
Aniya, dalawang linggong nakaratay sa ospital si Sison bago ito tuluyang bawian ng buhay.
"The greatest Filipino of the past century bereaved us peacefully last night," sabi ni Valbuena.
Itinatag ni Sison ang CPP noong Disyembre 26, 1968, gayunman, ipinatapon ito sa Netherlands noong 1980s.