Hinimok ng isang grupo ang mga awtoridad nitong Biyernes, Disyembre 16, na magsagawa ng "independyente at masusing" imbestigasyon sa diumano'y maternity leave scam.

“No stone should be left unturned for the whole truth to be brought to light,” sabi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines sa isang pahayag. Ang tinutukoy ng grupo ay ang umano'y scam na ibinulgar ng isang opisyal ng Department of Education (DepEd) Taguig-Pateros school division office.

Sa ulat ng DepED TaPat, ilang guro ang naghain ng maternity leave hanggang 11 beses sa loob ng tatlong taon.

Para sa ACT, “unimaginable” para sa isang regular na guro sa pampublikong paaralan na maging utak at magsagawa ng naturang racketeering act.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“It is practically gambling his/her job, reputation and whole future, which no one would dare lose, especially amid the severe economic crisis,”  sabi ng grupo.

Sinabi ng ACT na kung may katotohanan man ang mga ito, “imposible” din para sa isang guro na gawin ito nang mag-isa.

Sinabi ng grupo na maraming tauhan, kabilang ang mga opisyal, ang maaaring maging responsable o kasangkot sa matagumpay na pag-claim ng mga benepisyo sa maternity leave.

“We should get to the bottom of the matter and find the brains behind this scam and bring before the law all those who benefited from this,” dagdag ng grupo.

Samantala, inatasan na rin ng DepED ang paglikha ng fact-finding team para imbestigahan ang umano'y scam ayon sa tagapagsalita ng ahensya.

Merlina Hernando-Malipot