Magkakaroon naman ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).

Tataas ng mula ₱1.40 hanggang ₱1.60 ang presyo ng kada litro ng diesel habang mula ₱0.10 hanggang ₱0.30 naman ang idadagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina.

“Mayroon tayong nakikitang bahagyang pagtaas,” sabi ni DOE-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad sa isang radio interview nitong Biyernes.

Ang pagtaya ay ibinatay sa kalakalan ng langis mula Disyembre 12-15.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Matatandaang nagpatupad ng bawas-presyo sa kani-kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis sa apat na magkakasunod na linggo