Viral ngayon online ang larawan ng isang tagahanga ng sikat na bandang “December Avenue” matapos magbitbit ito ng nakakaaliw na placard sa isang music festival sa Cagayan kamakailan.

Highlight ang banda sa naganap na Color Splash Music Festival sa Tuguegarao noong Dis. 4.

Sa mga ibinahaging larawan ng banda nitong Huwebes, Dis. 15, makikitang dinumog ng mga tagasuporta at malinaw na pinuno ng mga ito ang jam-packed venue.

Agad namang nag-viral ang partikular na larawan ng isang fan na agaw-pansin ang dalang placard sa nasabing music fest.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Kung ‘di rin tayo sa huli, nugagawen?” laugh trip na mababasa sa placard na hawak ng isang ‘di nakilalang binatilyo.

Ang nakakaaliw na linya ay hango sa 2018-hit ng banda na “Kung ‘Di Rin Lang Ikaw” tampok ang nanatiling most-streamed Pinay artist sa Spotify na si Moira dela Torre.

Basahin: Moira Dela Torre, reyna pa rin ng OPM sa Spotify ngayong 2022 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Agad na umani ng libu-libong laughing reactions ang naturang larawan at ginatungan pa ng nakakaaliw na mga sagot ng netizens.

“Matulog,” maikling tugon ng isang follower ng banda.

“Ipilit natin behhhh!”

“Mag-cry!”

“Okay, next song na!”

“Dapat may plan-B!”

“Humanap ka ng iba!”

“Aawatin ang sarili!”

“Hihimlay!”

“Edi ouch!”

Sa pag-uulat nasa mahigit 25,000 reactions na ang nakuha ng larawan online.

Hindi naman kataka-taka ang malawak na reaksyon ng marami pa ring netizens sa banda dahil nananatiling isa sa mga sikat ito sa bansa sa pag-uulat.

Ang 2019 most streamed artist sa Philippine Spotify ay nananatili pa rin sa Top 10 ngayong taon.

Kilala ang December Avenue sa mga kantang “Huling Sandali,” “Sa Ngalan ng Pag-ibig,” “Bulong,” bukod sa maraming iba pa.