Maaari nang magrehistro sa Autosweep tollways ang mga Easytrip RFID (radio frequency identification) user simula sa Enero 15, 2023 upang hindi na madagdagan ang gastos ng mga motorista.

Ito ang isinapubliko ni Toll Regulatory Board (TRB) spokesperson Julius Corpuz nitong Biyernes.

"Magagamit na nila ang kanilang Easytrip sticker upang makatawid sila sa San Miguel Corporation tollways," ani Corpuz sa isang panayam.

"Easytrip subscribers ay hindi na kailangang kumuha pa ng Autosweep sticker... dumulog lamang sa customer service ng Autosweep.Ire-register na 'yan sa SMC tollways at isang sticker lang magagamit para mag-crossover dito sa San Miguel tollways," paliwanag ng opisyal.

Metro

Sa dami ng nagkakasakit: ER sa ilang ospital sa QC, puno na sa pasyente

Sa kasalukukyan aniya, ginagamit ng mga Easytrip subscriber angNorth Luzon Expressway (NLEX), Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEX), Cavitex, Cavite–Laguna Expressway (CALAX), at C5 link.

Ang mga nakarehistro naman aniya sa Autosweep ay pinapayagang dumaan saSouth Luzon Expressway (SLEX), STAR (Southern Tagalog Arterial Road), NAIA Expressway (NAIAX), Manila–Cavite Expressway (MCX), at Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEX).