Isang taon na ang nakalipas matapos ang karumal-dumal na pagpatay sa Maguad siblings noong Disyembre 10, 2021. 

Matatandaan na dakong alas-2:00 ng tanghali nang maganap ang krimen. Ayon sa imbestigasyon, walang awang pinagsasaksak at minartilyo ang magkapatid na Maguad na sina Crizzle Gwynn at Crizville Louis. 

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/16/dahil-sa-selos-at-inggit-pumatay-sa-maguad-siblings-adopted-daughter-ng-pamilya/" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/12/16/dahil-sa-selos-at-inggit-pumatay-sa-maguad-siblings-adopted-daughter-ng-pamilya/

Sa isang Facebook post ng ina ng Maguad siblings na si Lovella, sinariwa niya ang nangyari sa kaniyang mga anak. 

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

"Wish I would have had stayed at home that Friday and Dec .10 would always be the same! Life is short but your lives Ate Gwynn and Boyboy were taken far too short in the most painful, gruesome and brutal death. Even much more hurting because one of these criminals is the person whom you trusted, loved, rescued and provided opportunity to dream big while the other is a total stranger whom you owe nothing," hinagpis ng ina. 

Saad pa nito, iba na raw ang naging buhay nilang mag-asawa nang mawala ang dalawang anak. Ninakaw raw ng mga menor de edad na kriminal ang "future" ng mga anak. 

"These criminals robbed my children's future..no future Christmas and family dinners, no future graduations, no future weddings , no future grandchildren . All are gone including hopes n plans .. just memories. Life has never been the same after their passing," aniya.

"We often found ourselves teary eyed while having our meals, in the middle of hearing Sunday masses or in almost everything we do. Such pains is overwhelming that almost lost our sanity. Indeed unbearable emotional and mental pain that no lawyers , no lawmakers and no social welfare workers can understand!" dagdag pa nito.

Binigyang-diin din ni Lovella na "at peace" ang mga kriminal at mga magulang nito dahil protektado umano ang mga ito ng batas.

Hindi rin daw deserve ng mga anak niya na maging "sacrificial lambs." Hindi raw kasi naging "eye-opener" sa mga tao, juvenile law advocates, lawmakers, social workers, at iba pang ahensya ng gobyerno ang nangyari sa mga anak.

"Gwynn and Boyboy didn't deserve to be charged as sacrificial lambs after realizing that the purpose was never an eye opener (as most thought to be) for the whole world, juvenile law advocates, lawmakers, social welfare workers and other govt agencies or the govt itself to review the juvenile law but to show to the public how weak or poor our justice system is," saad ni Lovella.

"Tama lang ng sina suggest ng mga law enforcers na kung sila lang sa katayuan namin sila na mismo ang magbibigay ng hatol kasi wala kang aasahan sa justice system natin. Kaya hindi po natin masisi na hindi matatapos ang patayan, kaguluhan......we would never live in harmony and in peace because of the poor justice system," dagdag pa niya.

Kuwento pa niya, nailigtas umano ang buhay ng mga kriminal dahil pinili nilang pagkatiwalaan ang justice system ng bansa.

"We spared the criminals lives from those who wanted to revenge for my children's lives because we chose to let the justice system works for us but up to this posting this male criminal who turned 18 last August 6, 2022 is still in the CSWD facility with security services of the SWAT without handcuffs during his transport from the facility to the court.

"We spared the criminal lives because we're preparing of the opportunity for us to be seeing them again. And that hope ..that promise is the reason why we chose to be strong and remained good after all.

"A murderer who is charged with double murder case is enjoying his juvenile rights at 18 years n 4 months old now without obligating parents to pay for the civil damages.

"Napakasarap naman maging kriminals sa bansa natin kasi kayang paikutin at laruin ng mga magagaling natin na mga abogado ang batas. Ang mga abogado lang kasi ang pwede makapagsabi ng TAMA at MALI, kailan at ang susunod na hakbang. Sila rin yung my authority na makapagsabi na ang Mali ay Tama especially kung favor sa kanila."

Hinagpis pa ni Lovella, hindi raw sila sigurado kung naibigay ba sa kanila ang hustisyang hinahanap nila.

"Sa lahat po na nagtatanong kung nakuha na ba namin ang justice after one year? Hindi po ako sigurado sa justice system kung naibigay na ba? Ganoon pa man maraming salamat po sa inyong lahat ...sa lahat naitulong nyo po sa amin."

Samantala, humingi ng tawad si Lovella sa mga anak dahil wala raw silang nagawa para sa pagkamatay ng mga ito.

"Mga anak Crizzlle Gwynn Orbe Maguad n Crizvlle Louis Maguad Crizzlle Gwynn I'm sorry....Forgive us ni papa nyo kasi wala pa kaming nagawa na ibigay sa inyo Ang dapat para sa inyo.... and we love you so much Ate n Boyboy!"

Kaugnay na Balita:

https://balita.net.ph/2022/05/19/mga-menor-de-edad-na-pumatay-sa-maguad-siblings-hindi-pa-makukulong/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/19/mga-menor-de-edad-na-pumatay-sa-maguad-siblings-hindi-pa-makukulong/

https://balita.net.ph/2022/05/23/ama-ng-maguad-siblings-galit-ang-naramdaman-nang-makitang-pinoprotektahan-ang-2-menor-de-edad-na-suspek/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/23/ama-ng-maguad-siblings-galit-ang-naramdaman-nang-makitang-pinoprotektahan-ang-2-menor-de-edad-na-suspek/