Nagpahayag ng pagkadismaya si Senador Risa Hontiveros matapos sertipikahan ni Pangulong Bongbong Marcos bilang "urgent" ng Maharlika Investment Fund (MIF).

"Certify urgent? Eh kung ang gawin munang urgent kaya ay ang pagbaba ng presyo ng pagkain para may disenteng Noche Buena, ang pagtaas ng sweldo ng mga manggagawa lalo ang mga teacher at health workers, at ang ayuda sa matatanda, solo parents at mga may kapansanan?" saad ni Hontiveros nitong Biyernes, Disyembre 16.

"This Maharlika wealth fund is premature, and a misplaced priority. Distracted na naman tayo," pasaring pa ng senadora.

"Our economy is already hurting now, imagine the world of pain we'll be in if we rush head first into a P250 billion mistake."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nitong Huwebes, naaprubahan ng Kamara ang House Bill No. 6608 o ang Maharlika Investment Fund (MIF) na kung saan 279 na mambabatas ang pabor dito at anim naman ang hindi pabor.