TABUK CITY, Kalinga – Boluntaryong sumuko sa pamahalaan ang tatlong miyembro ngCommunist Terrorist Group (CTG) na naghangad na makapiling ang kani-kanilang pamilya ngayong kapaskuhan at magbagong-buhay, Huwebes, Disyembre 15.

Sinabi ni Brig.Gen. Mafelino Bazar, regional director ng Police Regional Office-Cordillera, pormal na sumuko na mga awtoridad at tinuligsa ang katapatan sa mga komunistang grupo ang tatlong dating rebelde sa naganap na press briefing na pinangunahan ni Lt.Col. Wilson Lagan Jr. , deputy provincial director for operation ng Kalinga Provincial Police Office, na isinagawa sa Camp Captain Juan M. Duyan, Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Ayon kay Bazar, ang pagsuko nina alyas "Ka Landing" at "Ka Joker" kapuwa dating miyembro ng CTG at Militia ng Bayan (MB)/NPA sa Barrio sa ilalim ng Lejo Cawilan Command ng humihinang Kilusang Larangang Guerilla (KLG)-Baggas na parehong Non-Periodic Status Report (Non-PSR) na nakalista sa CTG sa Lubuagan Municipal Police Station, Lubuagan, Kalinga, ay naisagawa sa tulong ng pulisya at mga tauhan ng 503rd at 50th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Samantalang si "Ka Dante" ay kabilang sa Periodic Status Report On Threat Groups (PSRTG) at nakatala sa Order of Battle (OB) noong 1998 ay sumuko sa Provincial Intelligence Unit/DEU (PIU/DEU) Kalinga PPO, RIU 14-PFU, RID PROCOR , Tabuk CPS, RSOG/RDEU, 503rd Bde, 50IB, 1st at 2nd KPMFC, 141SAC , 14SAB, PNP-SAF, at CIDG Kalinga sa PIU Office, Kalinga PPO.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Isinuko din ng tatlong rebelde ang isang homemade shotgun long barrel na may isang gauge, 12 ammunitions; isang cal. 22 magnum, Smith & Wesson na may apat na bala at isang unit cal. 30 U.S carbine na may isang magazine at dalawang bala.

Ayon kay Bazar, ang boluntaryong pagsuko ng tatlong personalidad ay natamo sa pamamagitan ng Kalinga PPO Oplan Montañosa sa tulong ng mga awtoridad alinsunod sa peace and security framework ng PNP na KASIMBAYANAN (Kapulisan Simbahan at Pamayanan) kasama ang Kalinga Returnees Association (KRA) at Kalinga Religious Sector Association (KARSA) sa pakikipagtulungan ng mga local government units ng Kalinga.

“Ang Kalinga PPO kasama ang Provincial at Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (P/MTF-ELCAC) ay magpapatuloy sa buong sector approach na ito laban sa iba pang komunistang miyembro sa probinsya para makamit ang kapayapaan at pagkakaisa. Magbibigay tayo ng seguridad para sa kanila at sisiguraduhin na hindi sila mahihiwalay sa mga programa ng gobyerno para sa mga sumuko,” pahayag naman ni Col. Charles Domallig, provincial director ng KPPO.