Bumuo na ng fact-finding committee ang Department of Education (DepEd) upang imbestigahan ang nabunyag na umano'y "maternity leave" scam kamakailan.

Binanggit ni DepEd Spokesperson Michael Poa sa isang panayam sa telebisyon, ang nasabing investigating body ay binubuo ng mga opisyal ng mga regional office ng DepEd at hindi mula sa school division office, upang magiging patas ang imbestigasyon.

Sa simula aniya ng hakbang, iimbestigahan ang mga rekord kaugnay sa paghahain ng maternity leave at kung buntis ang mga guro na sinasabing sangkot sa irregularidad.

Umapela rin si Poa sa mga gurong handang tumestigo sa kaso na lumantad at magbigay na ng testimonya.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Nauna nang ibinunyag ni DepEd Taguig and Pateros (TAPAT) Curriculum Implementation division head, Dr. Ellery Quintia, na isang guro ang nakatanggap umano ng mula ₱35,000 hanggang ₱61,000 mula 2016 hanggang 2019 matapos umanong magharap ng 11 beses na maternity leave sa loob ng tatlong tatlong taon.

"Good as cash ito. Kung titingnan mo ito, cash na ito na ibababa sa account ni teacher. Hindi ko naman siya kinausap tungkol dito. Maaaring hindi nga siya aware kung ano iyong nangyari at nanganak siya ng 11 beses sa loob ng tatlong taon. Maaaring si teacher, biktima rin. Ginamit din. Ito ay conspiracy ng mga nasa itaas," banggit pa ni Quintia.