Nakatanggap si Vice President Sara Duterte ng pinakamataas na approval rating sa nangungunang limang opisyal ng gobyerno sa bansa na may rating na 68 percent ng Filipino adult population, ayon sa resulta ng 2022 End of the Year survey ng Publicus Asia na inilabas ngayong Biyernes, Disyembre 16.

Sa survey na isinagawa mula Nob. 25 hanggang 30, 1,500 adult na respondents ang hiniling na i-rate ang performance nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Vice President Duterte, Senate President Juan Miguel Zubiri, Speaker Martin Romualdez, at Chief Justice Alexander Gesmundo.

Ang tanong sa survey ay: “Using the rating scale from 1 to 5, where 1 is strongly disapprove, 3 is neither approve nor disapprove, and 5 is strongly approve, how would you rate the overall performance of the following [name of government officials] over the past six months (July 2022 to December 2022)?”

Nakakuha si Duterte ng 68 percent approval rating, sinundan ni Pangulong Marcos na may 64 percent, Zubiri na may 49 percent, Romualdez na may 44 percent, at Gesmundo na may 38 percent.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon sa Publicus Asia, ang approval ratings para sa matataas na opisyal ng bansa ay “generally stable,” maliban kay Gesmundo, na ang approval rating ay “humina” dahil mas maraming respondents ang “neutral” sa kanilang assessment sa kanyang performance.

Ang poll ng Publicus Asia ay nagpakita na sina Vice President Duterte at President Marcos ay nakatanggap ng kanilang pinakamataas na approval ratings sa Mindanao na may 80 percent at 73 percent, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, nakuha ni Pangulong Marcos ang kanyang pinakamababang approval rating sa Southern Luzon na may 55 percent, habang si Duterte ang may pinakamababang approval rating sa Metro Manila na may 58 percent.

Nakatanggap din sina Zubiri, Romualdez, at Gesmundo ng kanilang pinakamataas na approval ratings sa Mindanao na may 58 percent, 52 percent, at 49 percent, ayon sa pagkakasunod.

Sa mga pangkat ng edad, nakuha nina Pangulong Marcos at Bise Presidente Duterte ang pinakamataas na approval ratings mula sa mga may edad na 30 hanggang 39, na may 74 porsiyento at 79 porsiyento, ayon sa pagkakabanggit.

Pinakamababa ang approval rating ng Pangulo sa mga 60 taong gulang pataas na may 57 porsiyento, habang si Duterte ang nakakuha ng pinakamababang approval rating sa pagitan ng 50 hanggang 59 taong gulang na may 60 porsiyento.

Ang Pahayag 2022 End of the Year survey ay isang independent at non-commissioned survey na isinagawa ng Publicus Asia Inc.

Ellalyn De Vera-Ruiz