Matapos makalaya mula sa 79 araw na pagkakapiit, tila binabawi naman ngayon ng “It’s Showtime” host at komedyante na si Vhong Navarro ang mga oras kasama ang kaibigan at pamilya.

Nauna nang naiulat ang naging emosyal na pagtatagpo ng komedyante sa kaniyang mga anak nang makauwi muli sa kanilang bahay noong Dis. 6.

Basahin: Vhong Navarro, sinalubong ng yakap, paghagulgol ng mga anak nang makauwi kahapon – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang umabot sa P1 milyon ang hiniling na piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan ng aktor habang patuloy na dinidinig ang kasong rape na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.

Tsika at Intriga

Baron Geisler, lagi raw may kontak sa anak niya kay Nadia Montenegro

Ayon na rin sa manager na si Ogie Diaz, agad na dinalaw rin ang aktor ng mga malalapit na kaibigan.

Noon ngang Lunes, larawan ni Vhong kasama ang ilang miyembro ng Streetboys ang nasilayan ng maraming netizens.

All-smile ang “brothers for life” na nagpasalamat sa mga nagpaabot ng dasal at suporta sa aktor.

Ang Streetboys ay nabuo noong 1993 dahil sa direktor na si Chito Rono.

Kabilang si Vhong at kapwa “It’s Showtime” host na si Jhong Hilario, ang grupo ay binubuo rin nina Sherwin Roux, Nikko Manalo, Mark Pastrana, Meynard Marcellano, Spencer Reyes, Cristopher Cruz Danillo Barrios, Jon Paul Garcia, Carlo Quintos, Fritz Tibay, Jonathan Granaderos, at Jmarth Lalic.

Samantala, nakatakdang litisin ang kaso ng aktor sa Pebrero 2023.

Basahin: Rape case vs Vhong Navarro, lilitisin na sa Pebrero 2023 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid