Posibleng magpahinga na muna si NorthPort center William Navarro dahil sa ACL (anterior cruciate ligament) injury.

Sa findings ng doktor, napunit ang litid ni Navarro sa kanyang tuhod sa gitna ng Game 2 ng kanilang quarterfinals series laban sa Ginebra San Miguel kamakailan.

Hindi na tinapos ni Navarro ang laban kung saan natalo ang kanilang koponan, 99-93, at dumiretso na ito sa ospital.

Dahil dito, malaki ang posibilidad na hindi na makalalaroni Navarro sa Gilas Pilipinas na sasabak sa nalalapit na 2023 FIBA World Cup.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'