Hindi pinapayagan ng gobyerno na magrehistroang mga menor de edad ng kanilang SIM (subscriber identification module) card.

Ito ang inihayag ng National Telecommunications Commission (NTC) nitong Huwebes at sinabing alinsunod ito sa umiiral na batas."All mobile subscribers are required to enroll their SIM cards within 180 or 6 months from theeffectivityof the SIM Card Registration law on December27. Failure to register within this period will result in the deactivation of SIM cards," ayon kay NTC consultant Edgardo Cabarrios sa panayam sa radyo.

"Ipinagbababawal po ng batas kasi 'yung SIMs ay irehistro sa pangalan po ng menor de edad.Pagka po ang magpaparehistro ay menor de edad, kailangan pongmagpresentasiya ng consent ng magulang o guardian kasi sa magulang o guardian ipapangalan po 'yung SIM,” aniya.

Kahit aniya ang mga turista ay obligado ring gawin ito.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

“Ipipresenta po kasi yung passport, nandoon po yung visa at naroon yung stay niya, number of days dito sa Pilipinas, tapos yung proof of address kung saan siyatitira, hotel or whatever ano, condominium, et cetera--basta meron pong address,” pahayag pa ni Cabarrios.