Winner maging ang isang Pinoy designer matapos damitan nito ang pambato ng Germany na si Jasmin Selberg at kalauna’y itinanghal na Miss International 2022 sa naganap na finale ng prestihiyusong kompetisyon sa Tokyo Dome City Hall, sa Japan nitong Martes.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Hindi makapaniwala ang fashion designer na si Benj Leguib IV matapos maging parte siya ng tagumpay ng ikatlong German Miss International titleholder.

Sa kaniyang Instagram post matapos lang ang resulta ng kompetisyon, nagpahayag ng kaniyang paggalak si Benj para sa aniya’y milestone ng kaniyang fashion designing career.

“I still can’t believe that my first ever gown I made for a candidate joining the Miss International pageant will be my most memorable and grandest milestone for this pageant,🇩🇪❤️🇵🇭👑👑👑” mabasa sa post ng Pinoy designer.

Basahin: Delegada ng Germany, itinanghal na Miss Int’l; manok ng Pinas, tumuntong hanggang semis – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Patunay lamang si Benj sa dagdag pang mahuhusay na creatives sa bansa pagdating sa paghahabi ng world-class gowns.

Sa kaliwa’t kanang international at local pageants, maraming Pinoy designers ang nangunguna sa pagprodyus at pagdamit sa ilang beauty queens mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Kabilang na rito sina Michael Cinco, Rian Fernandez, Jian Lasala, Furne One, bukod sa maraming iba pa.