Sapat ang suplay ng bigas at asukal sa bansa hanggang 2023.
Ito ang paglilinaw ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary, Spokesperson Kristine Evangelista nitong Miyerkules.
Sa isang panayam, sinabi ni Evangelista na bahagyang bumaba na rin ang presyo ng asukal na ngayo'y nasa ₱95 kada kilo.
Tumatag aniya ang suplay ng asukal kumpara sa mga nakaraang buwan dahil na rin sa milling season ng mga local producer.
“Nakikita na natin na there were months na ₱120 ang ating refined, ngayon nasa ₱95 na po,” anang opisyal.
Sasapat naman aniya ang suplay ng bigas sa bansa hanggang unang tatlong buwan ng 2023.