Tinututulan ng mga negosyante at manggagawa ang pagtaas ngSocial Security System (SSS) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) contribution sa 2023.

Sa pahayag ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP), hindi pa napapanahon ang nasabing hakbang dahil bumabangon pa lang ang mga negosyo na naapektuhan ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Panawagan nila kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ipagpaliban muna ang nakatakdang implementasyon nito sa darating na Enero.

Sinabi naman niTrade Union Congress of the Philippines (TUCP)Secretary General Arnel Dolendo, wrong timing ito dahil maraming manggagawa ang nangangailangan ng tulong.

"Maybe the intention is good, but the timing is bad dahil 'yung mga manggagawa ay nangangailangan ngayon ng tulong at kung babawasan pa natin ang kanilang kikitain, mahihirapan sila considering the inflation," dagdag pa nito.

Sa naturang batas, dadagdagan ng .5 porsyento ang kontribusyon sa PhilHealth kaya magiging 4.5 porsyento na ito habang sa SSS ay tataasan ng isang porsyento na sasaluhin naman ng mga employer.