Nanawagan sa Philippine National Police (PNP) at sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang isang senador na magbantay dahil sa pagbabalik ng tinatawag na "ninja cops" sa Metro Manila.
Sinabi ni Senator Ronald "Bato" dela Rosa sa panayam sa telebisyon, nabuhay muli ang sindikato na nag-o-operate sa National Capital Region (NCR).
Si Dela Rosa ay dating naging hepe ng PNP mula 2016 hanggang 2018.Tinukoy nito ang pagkakaaresto ng mga tauhan ng PNP-Drug Enforcement Group (PDEG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkakahiwalay na operasyon sa Metro Manila.
"Dapat vigilant tayo palagi. Advice ko nga sa PNP at sa DILG, bantayan ninyo ‘yang mga ninja cop," sabi ng senador.
Idinagdag pa nito na nakausap na niya si DILG Secretary Benhur Abalos hinggil sa mga pulis na sangkot sa sindikato at nag-re-recycle ng mga nasamsam na illegal drugs upang ibenta.