Marami ang sumang-ayon sa naging tweets ni Kapuso actress Rhian Ramos tungkol sa "no place like home" pagdating sa travel, lalo na sa isang bagay na mayroon sa Pilipinas, subalit batay sa kaniyang mga naging paglalakbay, hindi lahat ng bansa ay kakikitaan nito.
Sa latest tweets ni Rhian ay ibinahagi niyang huling araw na niya sa Australia at pabalik na siya sa Pilipinas.
"Airplanes make me emotional! Why is that? Do they put emo stuff in the air? I'm always either sleeping or crying in an airplane," ani Rhian.
Sa isa pang tweet, nasabi ni Rhian na gustong-gusto niya ang pagta-travel sa ibang bansa, subalit "no place like home" talaga pagdating sa isang bagay---bidets!
"I love to travel but the Philippines has bidets. No place like home," aniya sa kaniyang tweet noong Disyembre 12.
Tumugon naman dito ang dating Kapuso at ngayon ay Kapamilya star na si Lovi Poe.
"Lol. I always say this," sey ni Lovi.
Nagbigay naman ng reaksiyon at komento ang mga netizen.
"I dunno how other nations wash their ass just with toilet paper… we need water! Haha."
"I have been to Japan, not all establishments have bidet."
"That’s why I always bring 'tabo' wherever I travel. Europe, Asia, South America, Middle East tabo is automatic ya’ll!!!"
"Korek haha bidet is life!"
Ang bidet ay isang bagay na ginagamit na panghugas sa pribadong katawan ng isang tao pagkatapos niyang umihi (sa babae) o tawagin ni Inang Kalikasan.