NUEVA ECIJA -- Natagpuan ng Internal Security Operation (ISO) ang mga naiwang pagkain, medical supplies, at iba pang kagamitan ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Brgy. San Fernando, Laur, nitong Miyerkules. 

Pinangunahan ni PLTCOL Robert D. Agustin, Force Commander ng 1st Provincial Mobile Force Company, ang ISO sa kanilang operasyon.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang mga naturang kagamitan ay nadiskubre base sa naging rebelasyon ni "Ka Bert", na dating rebelde na sumuko sa 1st Provincial Mobile Force Company sa Nueva Ecija.

Narekober sa lugar ang dalawang lalagyanan ng tubig na may lamang bigas, dalawang PVC pipes, dalawang kilo ng pako at salamin, iba't ibang uri ng gamot, kalahating sako ng ammonium nitrate, kalahating container ng kerosene, at 8-10 metro ng flat cord wire. 

Dinala ang mga kagamitan sa headquarters ng 1st PMFC sa Cabanatuan City habang ang ibang pinaghihinalaang IED components ay nasa kustodiya ng Nueva Ecija Provincial Explosive and Canine Unit (NE-PECU) para sa naaayon na dokumentasyon.