Muling pagtanggi ang sagot ni Nadine Lustre sa isang panibagong panayam kamakailan kaugnay ng kaniyang planong pagkakaroon ng anak.

Sa isang artikulo ng Mega Entertainment noong Dis. 10, tila nananatiling sarado pa rin sa ngayon sa mga plano ng multimedia artist sa pagkakaroon ng anak sa pagpupuntong malaking pasanin nga ang mga ito.

“I’m securing myself na. With the things I’m investing in now, and the things that I’m doing, I ask myself, ‘Is this going to sustain me for the rest of my life?’ Nandoon na siya,” anang aktres at malinaw na sinabing sa pagtuntong niya sa edad 30-anyos sa susunod na taon, hindi pa rin niya nakikitang magkaroon ng anak.

“I don’t want kids yet. I don’t even know if I want kids. Let’s see. If it happens, it happens,” anang aktres.

Pelikula

ALAMIN: Mga kinagiliwang Kapuso-Kapamilya tandem sa pelikula!

“Ngayon kasi, nandoon na headspace ko: if I have kids, paano ko sila bubuhayin? Adulting na talaga!” pagpapatuloy niya.

Hindi ito ang kauna-unahang pagtanggi ng aktres sa tila pamantayan ng lipunan na pagkakaroon ng anak ng mga kababaihan, lalo na pagpasok sa edad na trenta.

Nauna na ring ibinahagi ng aktres noon ang alternatibong pag-aampon na lang sakaling mapagpasyahang magkaanak.

“Just because, there are so many people na on Earth, and I do believe that there are lots of kids who don't have parents and who need taking care of. So I feel like if I do wanna have kids, I might just adopt. Sustainability!” ani Nadine sa isang panayam ng Cosmopolitan noong Pebrero.

Samantala, sakaling magbuntis bukas naman ang aktres na maging ina gayunpaman, paglilinaw niya rin sa parehong panayam.

Kasalukuyang karelasyon ng aktres ang Filipino-French businessman na si Christopher Bariou.

Sa parehong panayam ng Mega, aminado si Nadine na isa sa mga pinakamalaking pasya niya sa kaniyang buhay ang pag-acquire ng isang bahay sa Siargao, kasama ang kaniyang boyfriend.

Samantala, kasalukuyang abala ang aktres ngayon sa pag-promote ng kaniyang Metro Manila Film Festival entry na “Deleter” na mapapanuod sa darating na Pasko.