Inaresto ng anti-cybercrime operatives ng Philippine National Police (PNP) ang isang 24-anyos na lalaki dahil sa pagbebenta ng ilegal na paputok online.
Sinabi ni Police Col. Redrico Maranan, hepe ng PNP-Public Information Office, na nag-ugat ang operasyon sa kumpirmadong beripikasyon na si David Carpio ay nagbebenta ng mga paputok na ipinagbabawal batay sa mga regulasyon.
Aniya, nakuwelyuhan si Carpio sa isang entrapment sa Sta. Mesa sa Maynila noong Martes, Disyembre 13.
Nasamsam sa kanya ang 200 piraso ng malalaking 5-Star King Kong na paputok, P7,000 bill, telepono at iba't ibang identification card.
Sinabi ni Maranan na ang operasyon ay naitala gamit ang dalawang device na pinapayagan ng korte.
Aniya, nahaharap ngayon ang suspek sa mga kasong may kinalaman sa Republic Act 7183, o An Act Regulating The Sale, Manufacture, Distribution, and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices in relation to Sec. 6 ng RA 10175, o ang “Cybercrime Prevention Act of 2012”.
Aaron Recuenco