Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na naiuwi na sa Pilipinas ang labi ng isang overseas Filipino worker (OFW) na namatay sa Qatar kamakailan.

Nitong Disyembre 9 pa naiuwi sa bansa ang labi ni Alexander Pabustan, taga-Sta. Ana, Pampanga, ayon sa pahayag ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega sa isang television interview nitong Miyerkules.

“Aksidente 'yung nangyari kasi ayon sa pamilya--may bayaw siya eh, may bayaw siya, nasa Qatar din--meron siyang heart condition. Kaya nagka-heart attack tapos bumagsak siya, habang nagtatrabaho sa tabi ng forklift,” paglalahad ni De Vega.

Aniya, iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang insidente upang madetermina kung mananagot ang employer nito.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

"Kasi ang problema po, may nalabag 'yung safety protocols kasi kailangan nakasuot siya nung helmet, baka hindi binigyan ng helmet ng kanyang kumpanya, proteksyon sa ulo. So kaya ngayon, sabi po ng mga taga-Qatar, pamahalaan ng Qatar iniimbestigahan nila at alinsunod sa kanilang pagsisiyasat, kung anong nangyari, maaaring mananagot 'yung kumpanya kung labag sila sa batas,” dagdag pa ng opisyal.

Matatandaang naiulat na nadulas umano si Pabustan sa rampahan ng isang forklift truck habang inaayos ang mga ilaw ng parking lot ng isang five-star resort na ginagamit bilang World Cup training base ng Saudi Arabia team kamakailan.

I