Tataas pa at inaasahang papalo na sa mahigit ₱410 milyon ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58 sa susunod na bola nito sa Biyernes ng gabi, Disyembre 16.

Sa paabiso ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules, nabatid na wala pa ring nakahula sa six-digit winning combination ng UltraLotto 6/58 na 29 -13 -28 -08 -01 -56, na binola nitong Martes ng gabi, Disyembre 13.

Dahil dito, wala pa ring pinalad na makapag-uwi ng katumbas nitong premyo na tumataginting na ₱393,783,039.20.

Mayroon namang 44 na mananaya na nakapag-uwi ng tig-₱120,000 na second prize para sa nahulaang tiglimang tamang numero.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Ang UltraLotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Samantala, batay sa jackpot estimates ng PCSO, aabot na sa ₱22 milyon ang premyo ng Lotto 6/42 at ₱15.8 milyon naman ang Superlotto 6/49 na kapwa bobolahin ngayong Huwebes ng gabi, Disyembre 15.

Kaugnay nito, muli namang hinimok ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga PCSO games, partikular na ang lotto.

Ayon kay Robles, walang talo sa pagtaya sa lotto dahil sa halagang ₱20 lamang ay makakatulong ka na sa kawanggawa at magkakaroon ka pa ng tiyansang maging susunod na lotto millionaire.