May pa-blind item ang batikang mamamahayag na si Arnold Clavio hinggil sa isang elected official na masisibak umano sa puwesto dahil sa umano'y hindi pagsasabi ng totoong impormasyon sa Certificate of Candidacy (COC) nito sa 2022 national elections.
"Nakupow. Naloko na!!!" sey ni Clavio sa caption ng kaniyang Instagram post nitong Martes, Disyembre 13.
"Sino??? ang elected official ang sa kauna-unahang pagkakataon ay matanggal sa puwesto dahil sa hindi pagsasabi ng totoo sa mga impormasyon sa kanyang Certificate of Candidacy," ani Clavio sa mismong post.
"Ang naturang elected official ay mayroon palang kaso kung saan ang kanyang conviction ay affirmed ng Korte Suprema.
"Under Section 12 of the Omnibus Election Code, one who has been convicted by final judgment for a crime involving moral turpitude is ineligible to run for elective public office," paglalahad pa ng mamamahayag.
"Maliwanag na siya ay disqualified sa pagtakbo noong 2022 national elections."
Nagbigay rin siya ng clue. Aniya may letrang "F" at "T" ang pangalan ng naturang elected official.
Ang tanong, sino kaya ang tinutukoy niya?