Nanawagan sa publiko ang isang opisyal ng Philippine Statistics Authority (PSA)-Cordillera Administrative Region (PSA-CAR) na hintayin na lang mailabas ang Philippine Identification (PhilID) cards o national ID. 

“Pasensiya na po, hintayin lang po natin, ginagawa po ng agencies involved and kanilang makakaya para makarating na sa atin ang ating mga PhilSys ID (Philippine Identification System)," pahayag ni PSA-CAR regional director Villafe Alibuyog.

Hindi lang aniya isang ahensya ang nagpapatupad ng programa. 

“Gathering of data and registration is handled by our agency, printing is with another agency and the distribution and delivery is by the Philippine Postal Corporation,” pagdidiin ng opisyal. “Pati po kami na taga PSA wala pa rin pong ID, hintayin lang po natin," aniya.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Patuloy pa rin aniya ang pagpapalabas nila ng digital version ng PhilID. “Pwede po tayong pumunta sa PSA offices, we can issue to them an e-copy of the ID, which they avail and be printed at the local offices of the PSA,” sabi pa ni Alibuyog.

Philippine News Agency