Pinangangambahang nagpatiwakal ang isang binatilyo sa South Korea matapos matagpuang wala nang buhay sa tinuluyang kuwarto noong Lunes, Dis. 12.

Ayon sa ulat ng online hallyu portal na Koreaboo nitong Martes, ang hindi pinangalanang biktima ay napag-alamang survivor ng kalunos-lunos na Itaewon stampede noong Okt. 29, kung saan 158 katao, karamihan ay mga kabataan, ang naiulat na nasawi.

Dagdag ng ulat, ang binatilyo ay mag-isa lang nang tumuloy sa isang lodging house.

Matapos maiulat na nawawala ito, ika-11:40 ng gabi noong Lunes, agad na sinadya ng mga awtoridad ang lugar. Sa kasawiang palad, wala na itong buhay nang datnan ng pulisya.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nananatiling pagpapatiwakal ang teyorya ngayon ng mga imbestigador bagaman nagpapatuloy ang pagsisiyasat ng mga ito sa insidente.

Basahin: LIST: Mga paraan upang tulungan ang iyong sarili na palakasin ang iyong mental na kalusugan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, kung nakararanas ka o may kakilala kang nakararanas ng depresyon, tandaang may makikinig sa’yo. Mangyaring tumawag sa National Mental Health Crisis Hotline sa mga sumusunod na numero:

National Center for Mental Health