Hindi na raw nagtataka ang award-winning Kapuso news anchor/investigative journalist na si Atom Araullo kung bakit maraming umalma sa pagbibigay niya ng saloobin at obserbasyon sa sistema ng transportasyon sa Pilipinas, na nagsimula noong Disyembre 9.

Ayon sa tweet ni Atom noong Biyernes ng gabi, Disyembre 9, kagagaling lamang niya umano sa isang overseas trip at nahirapan aniya siyang umuwi dahil sa kakulangan ng masasakyan. Iyan din ang naobserbahan niya sa ilang mga mananakay na nakasakay niya sa paliparan.

"Just arrived at the airport from an overseas trip. No coupon taxis, no metered taxis, no Grab. Wala rin tayong mga bus at tren dito."

"Basically kung wala kang sundo, you’re dead. It’s been an hour and counting."

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

"This is what a broken transpo system looks like," ani Atom.

Sa sumunod na update, matapos daw ang dalawang oras ay saka lamang nakapagpa-book ng Grab si Atom. Ang nakita naman niyang problema ay ang di matapos-tapos na bigat ng daloy ng trapiko.

"Update: was able to book Grab after a little less than 2 hrs. Setting the pick up location to the departures area (T2) worked. Traffic na lang problema, hehe. Wawa yung mga nakapila pa sa taxi though, madalang talaga dating ng mga sasakyan. Salamat sa thoughts and prayers!" aniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/10/atom-araullo-dismayado-sa-transpo-system-sa-bansa-lalo-sa-airport/">https://balita.net.ph/2022/12/10/atom-araullo-dismayado-sa-transpo-system-sa-bansa-lalo-sa-airport/

Dahil tila maraming netizen ang na-trigger sa kaniyang tweets, muli itong sinegundahan ni Atom kahapon, Disyembre 13.

"This tweet inspired a lot of reactions online. Nairaos ko na ang ilang deadlines (woot) so I'll share additional thoughts on an important topic. Ang thread na ito ay pinamagatang: 'makatarungan ang panghangad ng maayos na public transportation.' Lezgaw!" ayon sa unang tweet ni Atom.

Naging sunod-sunod na ang tweets ni Atom tungkol dito na pabiro niyang tinawag na "TED Talk".

"Una, maraming nakarelate. Matagal nang pasakit ang pag-commute sa Metro Manila. Our public transportation system is… bad. Alam ito ng sinumang sumasakay ng tren, bus, jeep, atbp. The problem is so self-evident it doesn't require further elaboration. Marami na ring pag-aaral dito."

Hindi na aniya siya nagulat kung bakit maraming pumalag at binatikos ang kaniyang tweets. Ipinagdiinan naman ni Atom na hindi niya binabanatan lamang ang kasalukuyang administrasyon, kundi pati na ang mga "nagdaang kapabayaan" na kung tutuusin daw ay dekada na.

"Pero di na rin nakagugulat ang maanghang na reaksyon ng iba sa ibinahagi kong karanasan. May mga allergic ata sa anumang puna sa lagay ng bansa natin. Kakatawa nga, malinaw naman na bunga ng ilang dekada ng kapabayaan ang problemang ito. Bakit defensive? Bato-bato sa langit?"

https://twitter.com/atomaraullo/status/1602593120629030912

Pagkatapos nito ay isa-isa nang inilatag ni Atom ang kaniyang mga punto.

"Tugunan natin ang ilang punto. 'Elitista' o 'entitlement' ba ang paghangad ng mas maayos na public transportation? Baliktad ata. Many people have no choice but to commute on a daily basis. A safe, reliable, affordable, and efficient mass transpo system is good for everyone!"

"Hindi lahat, may kakayahan magpasundo. And even then, it's ultimately a waste of resources: fuel, time, energy, manpower, money. 'Diskarte' is not a feature of good public transportation. Ang totoo, patunay nga yan na may problema, ginagawan lang natin ng paraan. Resilient eh."

"Halimbawa, ilan sa mga kasama kong nahirapang sumakay sa airport noon, mga banyagang bisita. Paano kung wala silang kakilala sa Maynila? O wala silang internet para magbook ng sasakyan? We need to provide sensible options for everyone, especially if we want to promote tourism."

"True, a spike in demand can overwhelm the best mass transportation systems. But certain surges are predictable, which means solutions are within reach. Christmas comes along every year, and Friday congestion happens, well, every Friday. Kasama sa pinagpa-planuhan yun."

"Siyempre pa, hindi naman palaging ganito ang sitwasyon sa airport. Kung hindi mo pa ito nararanasan, edi mabuti. Happy for you beh, hehe. Excited na rin ako sa mga plano, kagaya ng pangakong tren na may istasyon daw sa paliparan. Sana matuloy."

"Still, this is a now problem, requiring immediate attention. And yes, it's a challenge not just for the airport, but the entire country too. A good public transportation system is pro-people, and essential for development. Pointing that out does not make you unpatriotic."

"Thanks for coming to my TED talk!" biro pa ni Atom.

Nag-react naman dito si Kapamilya TV host Bianca Gonzalez. "This thread!!!!"

"Haha daming time! Tenchu!" tugon ni Atom.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/14/atom-araullo-muling-nagpakawala-ng-tweets-palpak-transpo-system-sa-bansa-dapat-solusyunan/">https://balita.net.ph/2022/12/14/atom-araullo-muling-nagpakawala-ng-tweets-palpak-transpo-system-sa-bansa-dapat-solusyunan/