Naging usap-usapan ang paglalabas ng saloobin ng award-winning Kapuso news anchor/journalist na si Atom Araullo hinggil sa kaniyang obserbasyon at karanasan hinggil sa transportation system sa bansa, partikular sa paliparan o airport.

Ayon sa tweet ni Atom noong Biyernes ng gabi, Disyembre 9, kagagaling lamang niya umano sa isang overseas trip.

"Just arrived at the airport from an overseas trip. No coupon taxis, no metered taxis, no Grab. Wala rin tayong mga bus at tren dito."

"Basically kung wala kang sundo, you’re dead. It’s been an hour and counting."

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

"This is what a broken transpo system looks like," ani Atom.

Sa sumunod na update, matapos daw ang dalawang oras ay saka lamang nakapagpa-book ng Grab si Atom. Ang nakita naman niyang problema ay ang di matapos-tapos na bigat ng daloy ng trapiko.

"Update: was able to book Grab after a little less than 2 hrs. Setting the pick up location to the departures area (T2) worked. Traffic na lang problema, hehe. Wawa yung mga nakapila pa sa taxi though, madalang talaga dating ng mga sasakyan. Salamat sa thoughts and prayers!" aniya.

May mga netizen ang nagbigay sa kaniya ng iba't ibang mungkahi upang sa susunod, mas mapabilis ang paghahanap niya ng masasakyan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/10/atom-araullo-dismayado-sa-transpo-system-sa-bansa-lalo-sa-airport/">https://balita.net.ph/2022/12/10/atom-araullo-dismayado-sa-transpo-system-sa-bansa-lalo-sa-airport/

Dahil tila maraming netizen ang na-trigger sa kaniyang tweets, muli itong sinegundahan ni Atom kahapon, Disyembre 13.

"This tweet inspired a lot of reactions online. Nairaos ko na ang ilang deadlines (woot) so I'll share additional thoughts on an important topic. Ang thread na ito ay pinamagatang: 'makatarungan ang panghangad ng maayos na public transportation.' Lezgaw!" ayon sa unang tweet ni Atom.

https://twitter.com/atomaraullo/status/1602592609066962945

Naging sunod-sunod na ang tweets ni Atom tungkol dito na pabiro niyang tinawag na "TED Talk".

"Una, maraming nakarelate. Matagal nang pasakit ang pag-commute sa Metro Manila. Our public transportation system is… bad. Alam ito ng sinumang sumasakay ng tren, bus, jeep, atbp. The problem is so self-evident it doesn't require further elaboration. Marami na ring pag-aaral dito."

"Pero di na rin nakagugulat ang maanghang na reaksyon ng iba sa ibinahagi kong karanasan. May mga allergic ata sa anumang puna sa lagay ng bansa natin. Kakatawa nga, malinaw naman na bunga ng ilang dekada ng kapabayaan ang problemang ito. Bakit defensive? Bato-bato sa langit?"

"Tugunan natin ang ilang punto. 'Elitista' o 'entitlement' ba ang paghangad ng mas maayos na public transportation? Baliktad ata. Many people have no choice but to commute on a daily basis. A safe, reliable, affordable, and efficient mass transpo system is good for everyone!"

"Hindi lahat, may kakayahan magpasundo. And even then, it's ultimately a waste of resources: fuel, time, energy, manpower, money. 'Diskarte' is not a feature of good public transportation. Ang totoo, patunay nga yan na may problema, ginagawan lang natin ng paraan. Resilient eh."

"Halimbawa, ilan sa mga kasama kong nahirapang sumakay sa airport noon, mga banyagang bisita. Paano kung wala silang kakilala sa Maynila? O wala silang internet para magbook ng sasakyan? We need to provide sensible options for everyone, especially if we want to promote tourism."

"True, a spike in demand can overwhelm the best mass transportation systems. But certain surges are predictable, which means solutions are within reach. Christmas comes along every year, and Friday congestion happens, well, every Friday. Kasama sa pinagpa-planuhan yun."

"Siyempre pa, hindi naman palaging ganito ang sitwasyon sa airport. Kung hindi mo pa ito nararanasan, edi mabuti. Happy for you beh, hehe. Excited na rin ako sa mga plano, kagaya ng pangakong tren na may istasyon daw sa paliparan. Sana matuloy."

"Still, this is a now problem, requiring immediate attention. And yes, it's a challenge not just for the airport, but the entire country too. A good public transportation system is pro-people, and essential for development. Pointing that out does not make you unpatriotic."

"Thanks for coming to my TED talk!" biro pa ni Atom.

Nag-react naman dito si Kapamilya TV host Bianca Gonzalez. "This thread!!!!"

"Haha daming time! Tenchu!" tugon ni Atom.

Sa kasalukuyan ay trending na sa Twitter si Atom Araullo.