Kasama ang mister na si dating senador Kiko Pangilinan, sinorpresa ni Sharon Cuneta ang masugid na piyanista sa isang mall sa Makati na paboritong tugtugin ang mga kanta ni Megastar.

Ito ang makikita sa isang Facebook update ni Kiko noong Linggo, Dis. 11.

“Sinamahan namin ang sweetheart ko para isorpresa si Tito Bong — a regular pianist sa Rockwell Power Plant Mall 😄,” anang dating senador sa Facebook video.

Matet De Leon, ibinuking kung anong klaseng ina si Nora Aunor

Dagdag niya, suki ang mga kanta ng misis sa tuwing tumutugtog ang piyanista tuwing linggo sa nasabing mall.

“During the pandemic, Tito Bong went viral for playing the piano for almost 2 hours to raise money for his medicines. At the time, seniors like Tito Bong weren’t allowed to go outside. So we sent him a little help for him to get by,” pagbabahagi pa ni Kiko.

Kaya masaya aniya silang mag-asawa na muli nang regular na tumutugtog si “Tito Bong.”

Sa video, makikita namang pinagkaguluhan ng ilang mall-goers si Shawie na game na game namang umawit sa kaniyang audience.

All-smile din si “Tito Bong” na bakas ang paggalak sa pagpapaunlak ni Mega sa isang sorpresa.

Kinanta ni Megastar ang kaniyang hit songs na “Ikaw” at “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko.”

Kasalukuyan nang nasa mahigit 34,000 views ang naturang video sa pag-uulat.