Agad na bumuwelta ang social media personality na si Valentine Rosales kay Rendon Labador, matapos nitong magbigay ng mensahe sa kabataan hinggil sa pagpaparetoke, na komento nito sa ulat ng Balita Online tungkol dito.
Napa-react ang motivational speaker, fitness coach, at social media influencer sa pagsailalim ng social media personality na si Valentine Rosales sa procedures para ipaayos ang kaniyang eyelid at upper lip.
Unang narinig ang pangalan ni Valentine nang masangkot sila ng mga kaibigan sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera sa New Year's Eve ng 2021 kung saan natagpuan siyang walang malay sa isang bathtub sa isang hotel sa Makati City.
Naabsuwelto naman sila sa kaso dahil sa mahinang ebidensiyang may kinalaman sila sa pagkamatay ng dalaga.
Naging madalas na rin ang pagpapahayag ng reaksiyon at komento ni Valentine sa iba't ibang mga isyu o intriga, sa showbiz man o sa politika.
Sa kaniyang Facebook post noong Disyembre 10, pinasalamatan ni Valentine ang mga espesyalista na nagsagawa ng medical procedures sa kaniyang eyelids at upper lip.
"Thank you Doc Shastine Reyes and Papi Jack Salvador of Kontur Aesthetics for the transformation and the new look!"
"Procedures done: Non Incisional Double Eyelid Surgery to make my eyes look bigger and brighter!"
"Joker Smile - Upper lips Augementation reshaping my upper lip to a sexier shape with a more upturned lip corner," aniya sa caption.
May mensahe naman si Valentine sa bashers at haters niya.
"Buhay ko to! Puwede ka mainis, pero bawal kang mangialam," aniya.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/13/valentine-rosales-dumaan-sa-transformation-may-mensahe-sa-mga-pakialamera/">https://balita.net.ph/2022/12/13/valentine-rosales-dumaan-sa-transformation-may-mensahe-sa-mga-pakialamera/
Nagkomento naman si Labador sa ulat ng Balita Online tungkol dito.
"Mensahe ko sa kabataan: I-consider ninyo munang baguhin ang perspective ninyo bago ninyo baguhin ang pagmumukha ninyo."
"Hindi ako against sa ganyan pero representation kasi 'yan na hindi ninyo tanggap ang sarili ninyo o naghahanap kayo ng validation sa ibang tao. Paki-tama na lang kung mali ako."
Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/13/rendon-labador-sa-kabataan-baguhin-ang-perspective-bago-baguhin-pagmumukha-ninyo/">https://balita.net.ph/2022/12/13/rendon-labador-sa-kabataan-baguhin-ang-perspective-bago-baguhin-pagmumukha-ninyo/
Nagkomento naman nang mahaba si Valentine sa ulat ng Balita Online tungkol dito.
"Rendon Labador Hello po, sayang walang retoke sa utak at perspective kasi mukhang kailangan mo talaga yon bebe at dahil sinabi mo naman na paki-tama kung mali ka, unang una sa lahat iba po ang improving vs changing. Iniimprove ko kung ano ang meron ako instead of changing or binabago ko kung ano ang meron ako."
"Kunwari pinanganak akong may ari eh hindi ko yun iibahin. Ikaw nga po nagpapalaki ka ng katawan at nagji-gym ibig sabihin naghahanap ka ng validation sa ibang tao para maging macho hindi mo din tanggap sarili no na mataba/mapayat ka? Same reason sa pagpaparetoke ko 'yan, hindi ako naghahanap ng validation sa ibang tao, The only validation I am looking for is validation from myself."
"Gusto ko guwapo ako kapag nakikita ko sarili ko sa salamin. Kung dito naman ako nagkakaron ng boost of self confidence and love for myself why not diba? Wag nalang po tayo mangeelam at lalo na wag tayo maging assuming. Kasi may kanya kanya po tayo reason bat natin inaayos ang image natin."
"Fyi hindi ako nanghingi sa'yo or kanino man ng singko nor sentimo sa pagpaparetoke ko. Kung dito ako sasaya hayaan mo ako."
"Btw crush ko yung bunso mong kapatid si Jormiel dahil mas mabaet, matalino, gwapo siya sayo. Peace."
Wala pang tugon o kontra pahayag si Labador tungkol dito.