DILIMAN, Lungsod Quezon — Ibinida ni Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) chairperson Undersecretary Elpidio Jordan Jr. ang matibay na tambalan ng PCUP at Department of Health (DoH) na nagsisilbing tulay ng mahihirap na sektor ng bansa sa mga programang pangkalusugan ng DoH, lalo na sa gitna ng Covid-19 pandemic, bukod sa iba pang medikal na suliranin.

Tinukoy ni Usec. Jordan ang pangako ng DoH sa pagbibigay ng mahahalagang serbisyong pangkalusugan sa mga maralitang tagalungsod at partikular na binanggit sa kanyang zoom meeting kay DoH Health Emergency Management Bureau director Gloria Balboa ang napagkasunduan dagliang responde sa mga health emergency sa mga komunidad ng urban poor sa bansa.

Bukod dito, napag-alaman na magbabalangkas din ng mas pinalawig na memorandum of agreement sa pagitan ng PCUP at DoH na siyang magtatakda ng maigting na kolaborasyon sa pagbibigay ng serbisyo pangkalusugan sa mga kliyente ng PCUP alinsunod sa mandato nito na kabahagi naman ng alleviation program ng administrasyong Marcos.

Nagpahayag din n pasasalamat si Usec. Jordan kay Dir. Balboa at pamunuan ng DoH sa patuloy nilang suporta sa PCUP upang matiyak na yaong mga nangangailangan ng sapat na serbisyo ay nabibigyan ng accessibility sa mga programang pangkalusugan ng kagawaran.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Nagpapasalamat po ako sa DoH na patuloy na sumusuporta sa aming mga programa upang matulungan ng husto ang ating mga urban poor para mabigyan sila ng ayuda sa kanilang mga pangangailangan sa kalusugan, lalo na sa panahon ng pandemya at ibang pang krisis na kanilang naranasan, tulad ng paglaganap ng dengue at iba pang sakit,” pagtatapos ng chairperson ng PCUP.