Bigong makapasok sa Top 8 ang manok ng bansa na si Hannah Arnold sa nagaganap na Miss International final competition sa Tokyo, Japan.

Umabot sa semifinals si Hannah kasama ang mga delegada ng France, Finland, New Zealand, Germany, Cabo Verbe, Peru, Jamaica, Colombia, Costa Rica, Canada, Dominican Republic, Spain, Northern Marianas at United Kingdom.

Nauna nang ikinagulat ng fans ang hindi pagpasok ng ilan pang top favorites sa kompetisyon kabilang na ang mga kandidata ng Vietnam, Indonesia, Venezuela, at Mexico.

Sa pag-anunsyo nga ng Top 8, bigong makalusot si Hannah para sana sa inaasam na ikapitong Miss International crown para sa Pilipinas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pasok sa Top 8 ang kandidata ng Dominican Republic, Cabo Verde, Germany, Jamaica, Colombia, Spain, Canada at Peru.

Sa final pick ng grpo ng mga eksperto sa Missosology, nanatiling malakas na potensyal para sa korona sina Tatiana Calmell ng Peru at Stephany Amado ng Cabo Verde.

Si Miss International 2016 Kylie Verzosa ang huling Pinay titleholder sa isa sa Big 4 international pageant.

Kasalukuyang nagpapatuloy ang kompetisyon.