Nasunugan man ng bahay noong Agosto sa Silverdale, Washington sa Amerika, masayang ibinahagi ng OPM icon at tinaguriang “Queen of Soul” na si Jaya ang unti-unti nang pagbangon ng kaniyang pamilya.

Apat na buwan nga matapos ang trahedya, isang blessing ang muling natanggap ng pamilya ng singer na kaniyang ipinagpapasalamat sa Diyos.

Basahin: Donation drive para sa pamilya ni Jaya, inilunsad matapos matupok ang bahay sa Amerika – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ito ang mababasa sa social media post ni Jaya ngayong Martes.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Thank you Lord for granting me provisions so I can buy my 1st brand new car, finally! After buying 2 used cars that were showing unsafe defects, I prayed and decided to get a brand new vehicle to make sure my family will be safe and protected in every ride,” mababasa sa post ni Jaya.

Matapos ang pinagdaanang pagsubok ng pamilya, sunod na naging abala ang OPM icon sa kaliwa’t kanang sold-out concert sa Amerika, at sa mga kalapit na bansa nitong mga nakalipas na buwan, bagay na ipinagpapasalamat naman ng singer.

“Now, this was a gift from my heavenly Father, now how do I know that? Because everything I own and have are His!!! Bottom line, He is my family’s provider ❤️so if any of you want to see how God answers prayers, just give it a try and pray about it,” anang singer.

“God is good all the time. Remember, He will grant the desires of our hearts, so long as it’s aligned with His will. He will give you what you can handle,” pagtatapos ng singer.

Noong Hulyo 2021 nag-migrate si Jaya sa US at pormal na nagpaalam bilang hurado ng “Tawag ng Tanghalan” sa noontime show na “It’s Showtime”.