Tiniyak ni Manila Police District (MPD) Director PBGen. Andre Dizon nitong Martes na magpapakalat sila ng sapat na bilang ng mga pulis upang magbigay ng seguridad sa may 61 Catholic Churches sa lungsod, at titiyak ng kapayapaan at kaayusan sa Simbang Gabi.

Sa Balitaan ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) na idinaos sa Century Seafood Restaurant, sinabi ni Dizon na sisimulan nila ang deployment ng mga PNP personnel sa mga istratehikong lugar, sa pagsisimula ng Simbang gabi sa madaling araw ng Disyembre 16.

Magpapakalat din aniya sila ng mga tauhan sa mga lugar kung saan madalas magtipun-tipon ang mga mamamayan, gaya ng Quiapo Church,Sto. Niño Church, San Sebastian Church, Manila Cathedral, San Agustin Church, at iba pa.

“Madaling araw pa lamang ay magde-deploy na kami ng PNP personnel sa 61 Catholic Churches ngmobile patrol.Pinaayos naming lahat ng blinkersin such a way na malayo palang po ang mga miyembro ng komunidad ay makikita na nila namay otoridad o pulis,” ayon pa kay Dizon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pagtiyak pa ng MPD chief, may mga unipormadong pulis na makikita sa bisinidad ng bawat simbahan sa lungsod.

Maaari aniyang ang mga ito ay naglalakad lamang o naka-foot patrol, o di kaya ay nakasakay sa motorsiklo, mobile cars, at maging bisikleta o bike patrol.

Aniya, armado ang mga pulis, “dahil hindi natin alam ang mga criminal elements sa paligid.”       

        

Sinabi ni Dizon na matapos ang Undas ay kaagad na rin nilang sinimulan ang paghahanda sa pagkakaloob ng seguridad para sa holiday season.

Alinsunod na rin aniya ito sa direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., at mga pinuno ng Philippine National Police (PNP).

“Ito ay upang maramdaman, makita at maging significant ang PNP sa community… from foot, bike, motorcycle and mobile patrol, lahat ‘yun ay ipararamdam sa public in such a way na ‘yung police members ay nasa paligid at handing magbigay ng tulong,” aniya.

Samantala, sinabi ni Dizon na hindi na nila bubusalan pa ang bunganga ng baril ng mga pulis sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon kay Dizon, malaki ang tiwala niya sa kanyang mga tauhan na hindi masasangkot ang mga ito sa indiscriminate firing sa holidays.

Kumpiyansa rin si Dizon na ang bilang ng mga pulis na na- dismissed mula sa serbisyo dahil sa nasabing paglabag, ay sapat ng leksiyon sa bawat pulis upang matuto ang mga ito at mapaalalahanan na malaki ang mawawala sa kanila sakaling lumabag sila sa anumang regulasyon o polisiya.