Usap-usapan pa rin ang pasabog na outfit ni 'Drag Race Philippines" queens Marina Summers sa kaniyang pagdalo sa "UnkabogaBALL 2022" ni Asia's Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda.

"Philippine Herstory" ang tema ng pa-event ni Meme ngayong taon.

Ang gown ni Marina Summers ay inspired kay dating First Lady Imelda Marcos, ngunit kapansin-pansin ang ilang bahid ng dugo rito.

Paliwanag ng fashion designer na si Paul Sese, simbolismo aniya ito ng mga naging biktima ng Martial Law sa Pilipinas noong dekada 70s, sa pamamahala ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

"The GAG is the dress has an attached speaker sa loob tapos while she's walking down the red carpet may nagpe-play sa audio ng mga taong umiiyak.

"Di lang narinig because of the background music," paliwanag pa ni Paul sa kaniyang tweet.

Sa kaniyang Instagram post ay makikita ang matapang na paliwanag ni Marina tungkol dito.

"The real backstory," aniya.

"Our winning look for the #unkabogaball2022. This is the part of Philippine History that they are trying to conceal with glamour and misinformation. This is the story that should never be forgotten," aniya.

"Thank you to the team behind me for braving the red carpet with this statement."

Ibinahagi rin ni Paul sa kaniyang Instagram ang naturang post.

"The message of our look is clear and I am so happy that everyone understood. This is a part of our history that should never be erased and forgotten. #NeverForget #NeverAgain," pagdidiin ng designer.

Sa huli, ang itinanghal na "Unkabogable Star of the Night" ay si Marina Summers, na nag-uwi ng ₱100K.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/12/marina-summers-hinirang-na-unkabogaball-star-of-the-night-bilang-imelda-marcos/">https://balita.net.ph/2022/12/12/marina-summers-hinirang-na-unkabogaball-star-of-the-night-bilang-imelda-marcos/

Talagang effort kung effort si Marina gayundin ang kaniyang glam team dahil totoong mamahaling diamond necklace at earrings ang suot-suot niya, worth ₱1.5M!

At siyempre ang final touch, ang audio ng mga sumisigaw na tao sa kaniyang unkabogable dress na representasyon daw ng mga biktima ng Martial Law.

"The final touch."

"I was honestly having a slight panic attack when we first played the audio in my hotel room. It was haunting. But it was the last component that we needed to complete the statement. We wanted to awaken the senses of those who were able to witness it in person," pagbabahagi ni Marina.

Matapos ang event at back to reality na ang lahat, tila may slight na "problema" itong si Marina matapos matanggap ang malaking tsekeng naglalaman ng kaniyang premyo, na kadalasang ginagamit sa TV shows at big events.

"Meme@vicegandako valid pa ba 'to pag finold ko nang tatlong beses. Di kasi kakasya sa luggage pauwi to," pabirong pahayag ni Marina kalakip ang litrato niya at ang giant check.

https://twitter.com/marinaxsummers/status/1602309966979035136

Biniro naman siya ng mga netizen.

"Diyan ka na daw sa Cebu tumira haha."

"Pakirolyo na lang daw po tas iposter tube hahahaha."

"Gawin mo raw magic carpet mhie."

"Gupitin mo na lang bhe haha."

"Gawin mo raw po eroplano ante tapos dyaan ka na rin daw po sumakay."

Bukod kay Marina, agaw-eksena rin ang naging outfit ng kapwa Drag Race Philippines contestant na si Eva Le Queen matapos niyang itampok ang ABS-CBN.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/11/drag-race-queens-agaw-eksena-sa-unkabogaball-ni-vice-ganda-imelda-marcos-abs-cbn-ang-peg/">https://balita.net.ph/2022/12/11/drag-race-queens-agaw-eksena-sa-unkabogaball-ni-vice-ganda-imelda-marcos-abs-cbn-ang-peg/