Kahit na maraming pinagkakaabalahang negosyo, naisipan ng 'Wais na Misis' na si Neri Miranda na magtayo ng sariling talent agency.

Masayang ibinahagi ni Neri ang panibagong milestone na ito sa kaniyang social media accounts.

Sey niya, siya na raw ang magma-manage ng endorsement ng kanilang pamilya. Nilinaw rin niya na hindi siya ang maghahandle ng banda ni Chito Miranda na Parokya ni Edgar.

"Manager na akooo!!! Mula ngayon, ako na po mismo ang magma-manage at magha-handle ng mga endorsements ng family namin. Syempre si Chito as Parokya, sa TopBeat pa rin yan. Si Anne pa rin dapat kausapin pag may kinalaman sa banda ang inquiry."

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Kuwento ng wais na misis, si Direk Lauren Dyogi ng ABS-CBN ang nag-suggest na gumawa siya ng sariling agency.

"Ayun na nga, since nilalapitan na ako ng mga brands, companies, at agencies, at may sarili na rin naman akong prod team, ang Wais na Misis Productions, I think panahon na para magtayo na rin ako ng sarili kong managing company," sey niya.

"It was Direk Lauren (Dyogi) who suggested na gumawa na ako ng sarili kong agency, and nag-agree naman si Chito," dagdag pa nito.

Hesitant pa raw siya ng una pero dahil sa suporta ng asawang si Chito ay nakumbinsi siya.

Bukod dito, welcome raw sa kaniyang agency na "Wais Communications Inc." ang mga single at misis na gustong rumaket sa social media.

"Lahat ng mga kababaihan, mapa-single pa yan, mapa-misis, mapa-nanay pa na gustong rumaket sa social media. Welcome kayo sa Wais Communications Inc bilang influencer. Wow instant influencer agad! Bilang babad naman sa pagso-social media, eh di gawin nating mas productive ang araw nating lahat," sey pa ni Neri.

"Sa lahat ng brands, agencies, companies na gusto pang makipag collab sa isa sa amin o sa buong Pamilya Miranda, kindly dm me po or send an email po sa [email protected].

"At sa lahat ng gustong maging wais influencer, kindly follow @waiscommunicationsinc at mag dm lang po sa Wais Comm account po. Tara! Let us work together! Let us all be Wais! Tulungan tayong kababaihan! Nakaka-excite!!!"