Trending topic sa Twitter ang isyu ng pagdadabog umano ng singer na si Zack Tabudlo sa isang event, matapos daw tawagin dahil ayaw pang sumampa ng entablado sa isang booked show sa Makati City noong Disyembre 4.

Isang "Gayle Oblea" ang nagpakalat ng isyung ito sa Twitter.

"Para sa mga naghahanap ng context…

“Okay, I shall complete it."

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"This kid was supposed to play on stage at 10:15 pm, a couple of weeks ago. His band was already on stage, every body was ready, except sa kanya na ayaw pa umakyat dahil 10pm pa lang daw."

"Dahil awkward na, pinuntahan na siya ng head of events (who is a woman I wont mention her name anymore. Pero if you know her she is an absolute sweetheart when you talk to her)."

“Pinakiusapan na umakyat na siya cause they’re all waiting for him, he shouted na 10:15pm pa siya sabay bagsak ng pintuan."

“Even his manager apologized on his behalf because he was rude and obnoxious. Tapos nung tumugtog na… hindi na nga napigilan ng iba sa crowd nung nag-spiel na siya ng mga pa-echos na:"

“Sino dito may problema (pertaining to pag-ibig)?"

“Sabay sigaw ang crowd, ikaw! Dahil ang baho ng ugali mo!"

“Ayun si kuya, nung patapos na nag-walk out sa stage…"

“At ito matindi… ‘yung host (kilalang-kilala) sobrang hindi rin kinaya attitude niya… sarcastic ng sinabi: ‘Grabe po guys! Graaabe ang tindi! Ang tindi ng talent.”

“Ayun. So, kaya ekis na siya sa akin. Blocked!”

Kagaad na pumalag ang mga tagahanga ni Zack at ipinagtanggol ang singer. Marami sa mga nagtungo sa naturang booked show ang nagpatunay na walang ganitong insidente o pangyayari. At kung sakali man daw na totoo ito, wala aniyang nakikitang mali sa ginawa ni Zack dahil masyado pa raw maaga ang pagtawag sa kaniya.

"People cancelling Zack because he refuses to work earlier that his scheduled performance at 10:15. I’m literally like that I refuse to work earlier than my 8am shift because I’m only paid starting 8am. Ewan ko sa inyo!”

"That’s her story. That’s her truth but that doesn’t mean that’s the truth. There are always two sides to every story. Besides, 10:15 is 10:15. It’s his right to refuse. Ang dami pang puwedeng gawin sa 15 minutes!”

"I admired some aspiring new film directors here (kasi ganun din ako hehe) maliban lang dito sa clout chaser na to na nagkakalat ng fake news para sirain ang career ni @zacktabudlo in an instant. Galing gumawa ng kwento eh. Handa ka na ba mademanda ha Gayle Oblea?"

Upang ipagtanggol naman ang panig ng kanilang talent, naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang UMUSIC Philippines patungkol sa isyu.

Anila, kumokonsulta na sila sa kanilang legal team kung ano ang nararapat na karampatang aksiyon hinggil sa nagpakalat umano ng fake news patungkol kay Zack.

https://twitter.com/UMUSICPH/status/1602247657103179777

Sa ngayon daw ay burado na ang kontrobersiyal na post ni Oblea subalit na-screenshot na ito ng mga netizen at kumakalat na ngayon sa social media.

https://twitter.com/paolegaci/status/1602477411006042114