Maagang pamasko ang handog ng P-pop powerhouse na SB19 kasunod ng isa na namang makabagbag-damdaming kanta para sa pamilya, ang “Nyebe.”

Ito ang agad na sukli ng grupong binubuo nina Stell, Pablo, Justin, Ken at Josh matapos ang matagumpay nilang Where You At (WYAT) World Tour noong Nobyembre.

Nito ngang Lunes, kasunod ng media conference sa kanilang homecoming concert sa darating na Dis. 18, inilabas na nga ng SB19 ang isa na namang anthem para sa kanilang pamilya, ang kantang “Nyebe.”

Ang “Nyebe” na sinulat ng lider ng grupo na si Pablo ay istorya ng grupo na aminadong kapalit ng kanilang tinatamasang kasikatan ay ang mga oras na nawawala naman para sa kanilang mga pamilya.

Musika at Kanta

Apl.de.ap bet maka-collab ang BINI: 'They are world class!'

“Kahit na hindi naming sila kasama, mafi-feel nila na mahal na mahal naming sila. Through that [kanta], matutunaw ‘yong nyebe,” pagbabahagi ng lider sa kuwento ng bagong kanta.

Agad na nag-trend sa YouTube ang single na kasalukuyang nasa ikalabindalawang puwesto sa YouTube Philippines.

Emosyonal namang nagpasalamat ang maraming A’Tin, tawag sa fans ng SB19, sa panibagong kanta ng grupo.

“Sobrang na appreciate kita Pablo, thank you for another uplifting song. The message of the song is so beautiful and motivational. God bless you always SB19! Malayo pa ang lalakbayin niyo...and ksama niyo kami lagi...lagi! Mahal namin kayo!” komento ng isang fan sa lyric visualizer ng kanta.

“I've been so busy lately, and I've thought I'm losing interest in this group, but after listening to Nyebe, I was reminded of thousands of reasons how these 5 angels save me during my darkest time. Thank you for your music SB19. Your song will always be comfort. Busy lang sa school work pero kayo pa rin hanggang sa huli💙Matutunaw din lahat ng Nyebe❄️”

“This song just proved that SB19 should not only be branded the PPOP Kings. As early as now, they already cemented their name in the OPM industry. They are the Philippines Super Group who can do all genres and deliver meaningful songs that will pierce through your heart and soul.”

“Pinaiyak ako ng mahalima. Tagos sa puso lalo na kaming ofw. Ang ganda ng NYEBE. CONGRATS SB19 ❤. Ang galing mo Pablo. Pagtinugtog ko to araw2 tutulo lage ang luha ko. Lalo pa parating ang pasko.”

“Isa ako sa mga taong nababalot ng nyebe pero lubos na nagpapasalamat kay Lord for sending people para mafeel ko pa rin ang warmth and one of them is SB19 na talaga namang nagpapasaya sa akin. Slowly alam kung matutunaw din ang nyebe sa buhay ko.”

“Grabe gusto ko umiyak pero d pwede kc daming tao dito. Napakaganda ng bago nyong song na Nyebe. Lalo ko tuloy namiss ang family ko. Working abroad is really tough but with this kind of song gives you that comfort na everything will be okay in time. Thanks SB19! Goodluck for more of your adventures!”

“To those who read this right now, Promise me you will came back here every time you feel weak, worried, stressed, anxious, lonely, struggling, broked down, afraid or depressed. Always remember matutunaw din lahat ng nyebe!”

“This song really need to be trend!!! To all the people out there who suffer a lot of problem hold on and keep going we can make it at last 😊remember that, "Matutunaw Rin lahat ng Nyebe." Fighting!!!”

“This song literally comforted me right now🥺. Thank you SB19 for this song. Matutunaw din lahat ng NYEBE.”

“It hits home.... I've been through a lot lately, broken relationship and financial struggles.. Salamat Mahalima for this beautiful song... Here's hoping for a new beginning... Laban Lang... Time will come at matutunaw din ang #Nyebe sa buhay natin..”

“Amazing how the pre-chorus brings warmth to the song. Imagining someone close to you/or God himself saying "Takot ay maglalaho, ito'ng aking pangako. Ako'y nandito" indeed melts all anxieties and worries and replaces them with assurance and comfort 💙❄💯

“I didn't realize I was crying until the end of the video. Siguro ganun talaga kapag may mga bitbit ka, na sa sobrang kasanayan mong dala yung mga yun, parang normal na and it soon made it easier for you to put it at the back of your mind. This song just dug up those baggages, broke the emotional barrier that I put up around it, and made sure to assure me that soon gagaan din ang mga ito.”

Kasalukuyan nang umani ng mahigit 191,000 views ang "Nyebe" sa YouTube.

Hindi ito ang kauna-unahang kanta ng grupo tungkol sa pamilya. Sa katunayan, una nang sumabog ang kantang “Mapa” noong Mayo 2021 na naging inspirasyon ng maraming fans at kaswal lang na tagapakinig ng grupo.