Aminado ang isa sa mga beteranong TV host ng "Eat Bulaga" na si Joey De Leon na nagtampo siya kay Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano nang umalis ito sa nabanggit na noontime show kung saan ito nagsimula, at lumipat sa karibal na network na ABS-CBN.

Naganap ang pag-amin sa mismong media conference para sa pelikulang "My Teacher" sa direksiyon ng mismong mister ni Toni na si Direk Paul Soriano, sa produksiyon naman ng Ten17 at TinCan Productions.

Sa kabilang banda, masaya naman daw si Pinoy Henyo master sa kinasapitan ni Toni, dahil hindi naman maitatangging bumongga pang lalo ang showbiz career ng host-actress-singer nang lumundag ito sa Kapamilya Network.

Masaya rin daw ang komedyante na si Direk Paul ang napangasawa nito. Pag-amin naman ni Toni, kahit na medyo nagtampo sa kaniya si Joey, hindi pa rin naman naputol ang kanilang pag-uusap.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Isa ang pelikulang "My Teacher" sa mga pelikulang kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival na ipalalabas sa Disyembre 25. Ito ang reunion movie nina Toni at Joey matapos ang ilang taon. Sa kasalukuyan ay nasa ALLTV na si Toni bilang contract artist.