Umaabot sa 272 ang bilang ng mga parangal na ipinagkaloob ng Department of Health (DOH) - Ilocos Region sa mga ‘health champions’ sa kanilang lugar, kabilang dito ang iba’t ibang hospital facilities, health organizations, local government units (LGUs) at barangay health workers federations, na nagkakaloob ng hindi matatawarang kontribusyon sa pagkamit ng Kalusugang Pangkalahatan at kinakitaan ng outstanding performance para makamit ang vaccination targets para sa Covid-19.
Nabatid na ang mga naturang parangal ay ipinagkaloob ng DOH-Ilocos Region sa mga health champions, sa kanilang sa idinaos na 2022 Gawad Kalusugan Awards sa Bauang, La Union nitong Lunes, Disyembre 12, 2022.
“These awardees have selflessly worked hard to achieved the health department’s vision of strengthening primary care services in order to increase the efficiency and effectiveness of the delivery of basic health services to enable a more equitable distribution of health programs in the community,” ayon kay Regional Paula Paz M. Sydiongco, sa kanyang welcome message.
“SA KALUSUGAN, WALANG DAPAT MAIIWANAN”, our aspiration of leaving no one behind when it comes to quality healthcare must be given priority and it is incumbent to us to improve and standardize processes and structure to reduce variation, achieve predictable results, and improve outcomes for patients, healthcare systems, and organizations,” dagdag pa niya.
Nabatid na kabilang sa mga parangal na ipinagkaloob ay ang Madaydayaw award na kumikilala sa mga lalawigan, government agencies at mga organisasyon sa rehiyon na lumahok at sumusuporta sahealth programs at activities ng regional office sa community level; ang Palbayani award para sa commendable performance sa pagpapatupad at pagtatatag ng health programs at services; at ang Bannuar Iti Salun-At award para sa outstanding support at commitment sa implementasyon ng health programs at services ng health department.
Anang DOH, ang mga awardees sa “Gawad Kalusugan” ngayong taon ay tumanggap ng mga plake ng pagkilala, gayundin ng cash awards na nagkakahalaga ng mula ₱15,000 hanggang ₱100,000.
Nagsilbing guest speaker sa aktibidad si newly appointed Undersecretary Eric A. Tayag, na nagpaabot ng pagbati sa mga awardees.
Hinikayat rin naman ni Tayag ang lahat na patuloy na suportahan ang kanilang pagsusumikap na makapagkaloob ng health care services at magtulungan para makamit ang “Kalusugang Pangkalahatan” at suportahan ang Covid-19 vaccination activities ng DOH.
“Palagi kong sinasabi na vaccine don’t save lives, vaccination does! Kaya tayong lahat as health workers ay magpabakuna at kumpletuhin ang ating mga booster shots. We must be the role models para mahikayat natin ang ating mga kababayan. We will be having another vaccination round next year and I’m counting on all your support to again achieve our targets,” aniya.
Pinuri rin naman ni Tayag ang Ilocos Region dahil sa pagsusumikap nito na maabot ang kanilang Covid-19 vaccination target para sa taong 2022.
“Let us continue our collaborative efforts in safeguarding the health of our people,” aniya.