May banat ang direktor ng "Maid in Malacañang" na si Darryl Yap sa isang grupo na umano'y pinagmumura siya habang nagpa-party, na ipinadala naman sa kaniya ng isa sa mga waiter.
Hindi binanggit ni Yap kung anong grupo ito, subalit malutong na "TANG-IN* MO DARRYL YAP" ang sabay-sabay daw na isinigaw ng mga ito.
"So ayun na nga, may isang waiter ang nagsend sa akin ng video ng isang grupo o production na nagparty, habang nagsasaya ang group nila sumisigaw pa ng 'T@N9 !N@ M0 DARRYL YAP'."
"As in sabayang pagbikas ang peg ng mga mahihirap na baklang amoy zonrox ang dighay."
Dito ay may nabanggit si Darryl na isang direktor na nakikisakay raw sa kaniyang kasikatan ngayon.
"Same people din na pag nagshoshoot daw eh minu-minuto binabanggit ang pangalan ko ng direktor na nakiki-ride na lang sa akin, eh mas mataas pa rin ang tingin nya sa sarili niya, samantalang mas may dignidad pa ang tig 100 pesos na antigen test kit ko sa kanya nung nagka-covid ako noong 2020."
Bakit kaya siya naiinis sa akin, wala naman akong scandal? Di ako naghuhubad sa twitter, di naman ako nangangako sa mga artista ng kung ano-ano—sumama lang sa casting niya, hindi naman ako maraming kahalayan sa mga workshop kuno at shooting— bakit kaya?"
Ayaw pangalanan ni Darryl kung sino ang tinutukoy niyang direktor at grupo.
"Well, bakit hindi ko pangalanan?"
"Para ano? para maging masaya siya? at finally magkapangalan na nga."
"Bakit ko aawayin? para magkaroon ng tunay na pagkilala maliban sa mga binili at isinipsip nya?"
"Hayaan natin syang mamalimos ng atensyon, respeto at halaga, gaya ng panghihingi nya ng 1 milyon sa pamilya ng napili niyang pagkakitaan."
"Habang ako, ang mga kaibigan kong hindi tumanda at pumapanget sa showbiz ay hindi siya nababanggit, ni hindi nga namin siya naaalala kundi pa kami titingin sa inidoro bago mag-flush."
"Huwag natin tularan ang ganitong mga tao, nabubuhay na nga para manggamit, makisakay at manloko ng tao— nagpapanggap pang tagapagtaguyod ng katotohanan."
"Ipagdasal natin sila."
"Na mabuhay pa sila nang mahaba, para araw-araw silang mamatay sa inggit habang nakatitig sa atin at pinaparusahan ang kanilang mga sariling pinabayaan nila dahil obsessed sila sa atin na kailan man ay hindi nila malalampasan."
"At bakit hindi nila tayo malalampasan?"
"Paano mo malalampasan ang hindi mo mapantayan."
"Alam kong mababasa mo ito, dahil idol mo ko—hindi mo pa nare-realize, ito ang mensahe ko sayo at sa mga kumakain ng itinitinda mong dura:"
"MAS MALUSOG AKO."
"MAS MAYAMAN AKO."
"MAS MATALINO AKO."
"MAS MAGALING AKO at higit sa lahat"
"MAS MAGANDANG TAO AKO KAHIT DI PA NAGPAPARETOKE."
"Hindi mo yan masasabi sakin kahit pa mareincarnate ka."
Sino nga kaya ang direktor at grupong tinutukoy ni Yap?