Tila labis na nalulungkot daw ngayon si Jake Zyrus nang malaman at maibalita ang sakit ng international singer na si Celine Dion, na dahilan kung bakit labis din ang kapayatan nito.
Iyan ang nasabi ng impormante ni Cristy Fermin sa Amerika, na tinalakay niya sa kaniyang showbiz vlog na "Showbiz Now Na".
"Masyado po daw na nakakaramdam ng depresyon, anxiety at kalungkutan talaga sobra si Jake Zyrus ngayon," sey ni Cristy.
"Kaya 'yung depresyon po niya ngayon mga ka-chika ay maiintindihan po natin 'yun dahil ito po ang tumatayong inspirasyon niya sa kaniyang hanapbuhay."
Matatandaang naibalita na rin ni Cristy ang umano'y pagtatangkang paglapit ulit ni Jake kay David Foster upang magsimula ulit sa kaniyang career noon, subalit tinanggihan umano siya ng singer-composer.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/19/jake-zyrus-dinedma-raw-ni-david-foster-nag-try-pala-lumapit-ulit-tinanggihan-siya/">https://balita.net.ph/2022/11/19/jake-zyrus-dinedma-raw-ni-david-foster-nag-try-pala-lumapit-ulit-tinanggihan-siya/
Matatandaang isa si Celine sa mga naka-duet ni Jake sa international stage noong Charice Pempengco pa siya, na talaga namang nagbigay ng highlight sa kaniyang international singing career.
Ang sakit na tinutukoy ay "Stiff Person Syndrome" kaya kinansela niya ang kaniyang mga tour shows sa iba't ibang bansa sa 2023. Ito ay isang "rare neurological disorder with features of an autoimmune disease".
"I’ve been dealing with problems with my health for a long time, and it’s been really difficult for me to face these challenges and to talk about everything that I’ve been going through… It hurts me to tell you that I won’t be ready to restart my tour in Europe in February," aniya sa kaniyang Instagram post.
"Recently I've been diagnosed with a very rare neurological disorder called Stiff Person Syndrome which affects something like one-in-a-million people."
"While we're still learning about this rare condition, we now know this is what's been causing all of the spasms I've been having."
"Unfortunately, these spasms affect every aspect of my daily life, sometimes causing difficulties when I walk and not allowing me to use my vocal chords to sing the way I'm used to," dagdag pa.