Ibinahagi ng Filipino-American online superstar na si Bretman Rock sa kanyang Instagram stories nitong Martes, Disyembre 13, 2022 na isa sa kanyang mga goals ay mapabilang sa taunang Christmas Station ID ng ABS-CBN.

“Honestly one of my biggest goals in life is to honestly participate in ABS-CBN Station ID. Every Christmas, ABS-CBN does Christmas songs and I just want to be a part of it one day,” lahad ng 24-year-old influencer.

Kwelang ibinida rin ni Bretman ang pag-awit nito ng 2011 ABS-CBN Christmas Station ID na “Da Best Ang Pasko Ng Pilipino” ni Maria Aragon at UP Concert Chorus sa kanyang IG story, kasabay ng pag-amin nito na namimiss niya ang Paskong Pinoy at ang tradisyonal na Simbang Gabi dahil sa pakikinig niya ng mga Filipino Christmas songs. 

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Aniya, ibang-iba raw ang Paskong Pinoy kumpara sa Pasko sa Amerika dahil “all-out” umano ang mga Pilipino.

Kasalukuyang naka-base si Bretman Rock sa Honolulu, Hawaii kasama ang kanyang buong pamilya. Matatandaang taong 2015 nang sumikat si Bretman dahil sa kanyang mga beauty vlogs.