Magandang balita dahil 70 na mula sa 72 light rail vehicle (LRV) o bagon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang natapos na nilang i-overhaul.

Sa abiso nitong Martes, sinabi ng MRT-3 na sa ngayon ay dalawa na lamang ang mga bagon nilang nakatakdang sumailalim sa overhauling.

Ayon sa MRT-3, matagumpay na rin nilang nai-deploy sa mainline ang pinakahuling na-overhaul na bagon noong Disyembre 9, 2022 lamang.

Anito, mabilis, komportable, at malamig ang biyahe sa loob ng mga bagong overhaul na bagon na dumaan sa serye ng speed at quality checks upang matiyak na ligtas ibiyahe sa revenue.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Nabatid na ang overhauling ng mga bagon ay bahagi ng maintenance program ng mga bagon sa pamamahala ng maintenance provider ng MRT-3.

Ang MRT-3, na bumabagtas sa kahabaan ng EDSA, ang siyang nag-uugnay sa Taft Avenue, Pasay City at North Avenue, Quezon City.