Iginiit ng dating dean ng University of the Philippines (UP) College of Law na si Pacifico Agabin na hindi maaaring litisin ang mga kaso niKingdom of Jesus Christ (KOJC) founder, Pastor Apollo Quiboloy sa United States hangga't hindi ito nai-extradite.

"Kung nandito siya sa Pilipinas ay walang magagawa ang FBI (Federal Bureau of Investigation). Habang nandito si Pastor sa Pilipinas, wala silang magagawa doon sa Amerika," banggit ni Agabin sa isang radio interview nitong Lunes, Disyembre 12.

Paliwanag nito, maaaring maghain ng request for extradition ang U.S. kung malakas ang ebidensyang nakagawa ng krimen sa Amerika si Quiboloy.

Aniya, kapag natanggap na Department of Foreign Affairs (DFA) ang naturang request ng U.S., dapat na konsultahin ng foreign minister si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. dahil ang extradition ay isang "political act."

"Ang gagawin ng Amerika ay kailangan magpadala ng extradition request dito sa Pilipinas. Ang extradition maraming proseso ang kailangan doon. Kung di papayag si Presidente, walang magagawa ang Amerika. Kung ma extradite si Pastor, doon lang magkakaroon ng trial sa Amerika," aniya.

Sakali aniyang tanggihan ng Pangulo ang kahilingan, posibleng i-pressure ng U.S. ang Pilipinas upang i-extradite si Quiboloy.

"Siyempre ipe-pressure ang presidente dahil alam natin na maraming pressure ang magagawa ng Amerika kung ayaw nila yung action ng presidente o pangulo ng isang bansa," lahad pa ni Agabin.

Matatandaangisinakdal si Quiboloy noong Nobyembre 2021 at inilagay na rin ito sa most wanted list ng FBI kamakailan dahil sa mga kinakaharap na kasongconspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud at coercion,sex trafficking of children, sex trafficking by force, fraud and coercion,conspiracy atbulk cash smuggling.

Kamakailan, pinatawan ng sanction ngDepartment ofTreasury’s Office of Foreign Assets Control (OFAC) ng Estados Unidos si Quiboloy dahil sa mga kaso nito.

Binanggit ng OFAC maymga itinatago rin umano si Quiboloy na mga pastoral sa iba pang bansa, kasama ang Pilipinas at Estados Unidos.

"Quiboloy exploited his role within the KOJC to rape his victims and subject them to other physical abuse, describing these acts as sacrifices required by the Bible and by God for the victims’ salvation. The pastorals, who were mostly minors when initially abused by Quiboloy, were told by him to 'offer your body as a living sacrifice," sabi pa ng OFAC.

Itinanggi na ng mga legal counsel ni Quiboloy ang mga alegasyon.