'Parcel po ni Mam Loren Barrios'

Aliw ang hatid ng bagong kasal na si Mrs. Loren Barrios-Tayomora dahil sa hindi paawat na delivery ng kanyang parcel, na dumating mismo sa araw ng kanyang kasal.

Mismong sa gitna pa ng kanilang money dance dumating ang inorder nito sa isang e-commerce.

Malugod namang sinalubong ni Barrios-Tayomora ang rider upang kunin ang kanyang parcel habang tangan pa ang basket na naglalaman ng mga pera na kasalukuyan niyang ginagamit para sa kanilang money dance.

"Yes po, opo, may shopee delivery pa rin po tayo sa mismong wedding day," anang bride.

Human-Interest

Baligtad na ngayon! Nanay na papasok sa school, binigyan ng baon ng anak

Nagpasalamat din si Barrios-Tayomora sa rider ng kanyang parcel.

"Thank you po Kuya Rider and JnT Express - Libmanan Branch," ani Barrios-Tayomora sa kanyang Facebook post.

Ikinasal si Loren Barrios-Tayomora sa asawa nitong si JoshRey Tayomora nakaraang Disyembre 8.