Sinimulan na rin ng Manila City government nitong Lunes ang pamamahagi ng Christmas boxes para sa mga senior citizens sa lungsod.

Ito'y matapos na makumpleto na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang distribusyon ng mga Christmas gift boxes para sa lahat ng pamilya sa lungsod.

Nabatid na mismong sina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo Nieto ang nanguna sa huling araw ng  distribusyon ng  Christmas food boxes nitong Linggo.                                               

Aabot sa 695,000 pamilya ang tumanggap ng Pamaskong Handog mula sa lokal na pamahalaan, sa aktibidad na sinimulan noong Disyembre 1.

Metro

2 babaeng estudyante, timbog sa ₱5.3M halaga ng iligal na droga

Maliban sa food boxes para sa lahat ng pamilya sa Maynila, mayroon ding inilaan na special gift packs para sa senior citizens ng lungsod na umaabot sa 179,000.

“Pero hindi pa po doon nagtatapos ang lahat. Sa December 14 and 15 ay susunod naman ang pamimigay natin ng regalo sa may 179,000 nating senior citizens,” anang alkalde.

Nabatid na bawat kahon ay naglalaman ng coffee, tumbler at cookies.

Dagdag pa ni Lacuna, “Kaya sa mga nanay at tatay, lolo at lola, abangan nyo po kami. Abangan nyo ang munting regalo ng pamahalaang-lungsod ng Maynila. Dito sa ating lungsod, lahat ay pantay-pantay…ang gusto lang po namin ay maranasan nyo ang tunay na diwa ng Pasko at tunay na kahulugan ng 'happiness.'"