Sinermunan si Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) officer-in-charge Demosthenes Escoto sa pagdinig sa Senado hinggil sa umano'y hindi kaagad na ipinatupad na kautusang nagbabawal sa pagbebenta ng imported na pompano at pink salmon sa mga palengke.

Kabilang sina Senator Raffy Tulfo at Senator Cynthia Villar sa bumatikos kay Escoto nang isalang ito sa pagdinig kaugnay sa kontrobersyal na pagpapatupad ng Fisheries Administrative Order (FAO) 195.

Ang naturang kautusan ay ipinalabas ng ahensya noong 1999. Gayunman, ipinatupad ito kamakailan lang sa gitna ng pagdagsa sa bansa ng imported na isdang pompano at pink salmon na ipinababawalna ibenta sa mga palengke at grocery, ayon na rin sa FAO.

"We have already been implementing that since its enactment in 1999. But recently, we received reports that there are a lot of illegally diverted fish and fishery products in the wet markets. And this has become prevalent, necessitating the bureau to expand its operation and adopt an end to end monitoring of imported products," pagtatanggol ni Escoto.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Mula aniya nang mailabas ang FAO noong 1999, hinigpitan na umano nila angpre-border, border, at post-border control.

Paliwanag ni Escoto, ang pagbabantay sa mga palengke ay bahagi ng pinalawak nilang hakbang kaugnay sa usapin.

Gayunman, nagtataka si Tulfo kung bakit walang kaalam-alam ang mga fish vendor sa inilabas na FAO.

"Saan niyo po ini-implement? Saang palengke dahil kung meron po kayong ginagawang implementation bakit nagkalat 'yung pagtitinda ng mgapompanoat pink salmon sa mga palengke at wala po tayong nabalitaan since 1999 na mayroongpongganong batas," sabi ni Tulfo.

Inatasan din ng senador ang BFAR na ipakalat ang impormasyon hinggil sa FAO, sa tulong ng mga mamamahayag, dahil nangangamba ang maliliit na fish vendor na mawalan ng kabuhayan.

"Paano niyo i-implement eh wala nga kayong first border facility? Wegaveyou money to establish the first border facility in 2019, 'di nai-implement hanggang ngayon," pahayag pa ng senadora.